Deklarasyon para sa 2011 World Fair Trade Day PDF Print E-mail

Deklarasyon para sa 2011 World Fair Trade Day

Ang pandaigdigang krisis pangekonomikal, krisis sa pagkain, at ang paginit ng daigdig ay nakakaapekto ng malaki sa pinakakritikal na grupo ng populasyon. Mahigit sa 1/3 ng populasyon sa mundo ay nakalugmok sa kahirapan (2.7 bilyong katao ay pinagkakasaya ang 2 dolyar kada araw para mabuhay![1]). Ang  pandaigdigang krisis sa pagkain ay mas lumala-halos 925 milyong katao ang walang makain. Ang pandaigdigang crisis ay nangangailangan ng patas at "sustainable economy" na lokal at internasyonal, at  para sa pangangalakal o "trade"  na makapagdala ng maisasagawang pag-unlad o "sustainable livelihoods" at oportunidad para sa pagunlad ng mga maliliit na 
manggagawa.

Ang pangangalakal ay dapat nakakatulong sa mga pinakanahihirapan. Ang pangangalakal ay para sa pangangalaga ng tao.

Ang Fair Trade ay isang mabisa at maaasahang tugon sa kahirapan.
Ang Fair Trade ay nakakatulong sa isang patas at "sustainable economy" na panglokal at internasyonal

Sa 14 Mayo 2011, milyon-milyong maliliit na manggagawa, magsasaka at maliliit na taga gawa ng produkto, gumagawa ng Fair trade na produkto at mga mamimili ang magdidiwang ng World Fair Trade Day.

Isang pandaigdigang celebrasyon na susuportahan ng mga nagnenegosyo at mamimili, taga gawa ng batas at manunulat pati libo-libong "social movement", NGOs at humugit kumulang 100,000 volunteers.

Ang World Fair Trade Day 2011 ay may temang “TRADE FOR PEOPLE – Fair Trade your world”.

Ang tema ay sumasaklaw sa matinding paniniwala na nangangailangang unahin ang tao at kalikasan sa puso ng pangangalakal at pagbili, Pangangalakal para sa tao ay nangangahulugang may "sustainable development" sa lokal na komunidad. Mahigit 50 taon sa Fair Trade ay napatunayang na ang pangangalakal ay ang pinakamabisang paraan para sa pagbaba ng kahirapan; ang pangangalakal ay makakapagpabago ng buhay at komunidad.

Ang i-Fair Trade ang mundo ay nangangahulugang na ang mga pribadong mamimili ay isasali ang mga produktong Fair Trade sa loob ng kanilang "shopping bag", para sa mga negosyo para isali sa kanilang suplay at lugar na pinagtratrabahuhan, para sa mga nasa gobyerno na isama ang fair trade sa "public procurement" upang maikampanya ang pagbili ng may responsibilidad.

Ang Fair Trade ay isang mabuting pagkakasundo at "business case" para sa lahat, mula sa gumagawa ng produkto papunta sa mga mamimili.

Ang World Fair Trade Organization, ay ang pangdaigdigang network ng mga organisasyong Fair Trade sa 73 na bansa, ay inaanyayaha kang sumama sa pagdiriwang ng World Fair Trade Day. Pirmahan mo ang deklarasyong ito. Ipagdiwang ang World Fair Trade Day. Sa pamamagitan ng iyong tulong, abot kamay natin ang pagbabago.

SIGN THIS DECLARATION HERE! 
By signing you accept our 
Privacy Policy

 
Para sa karagdagang impormasyon:      This e-mail address is being protected from spambots, you need JavaScript enabled to view it              www.WFTDay.info
 
________________
Ang World Fair Trade Organization (WFTO) ay ang global na network ng mga Fair Trade Organizations. Ito ay kumakatawan ng higit sa 400 Fair Trade Organizations mula sa 73 bansa sa Africa, Asia, Latin America, Europa, North America at Pacific.

Ang misyon ng WFTO ay paganahin ang mga producer upang mapabuti ang kanilang kabuhayan at komunidad sa pamamagitan ng Fair Trade. Ang WFTO
ay ang pandaigdigang network at tagataguyod para sa Fair Trade, tinitiyak na ang tinig ng producer ay narinig.
 
 
 


[1] Higit isang bilyon ka tao ang nabubuhay sa isang dolyar sa isang araw. Data: UN Millennium Project at FAO.
 
 
 
Sign this declaration
HERE

See who signed
the declaration HERE


wfto_global_rgb.jpg
white_space.jpg   
     The WFTDay 2011 Declaration 
     in other langauges:

                     English
                     Spanish
                     French
                     Portuguese
                     Arabic
                     Chinese
                     Swahili
                     Japanese
                     German
                     Korean
                     Italian
                     Vietnamese
                     Hungarian
                     Turkish
                     Czech
                     Polish
                     Swedish
                     Danish
                     Dutch
 
     
     


Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Mixx! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! MySpace! Newsvine! Furl! Yahoo! linkaGoGo!
Last Updated ( Thursday, 07 April 2011 22:38 )